-- Advertisements --

Pinaalalahanan ni dating Vice President Leni Robredo ang publiko hinggil sa kumakalat na fake number na humihingi ng donasyon para sa mga biktima ng bagyong Kristine.

Ayon kay Robredo, isa lang ang kanyang personal na numero at hindi rin siya gumagamit ng messenger.

Nilinaw rin ng dating pangalawang pangulo na ang kanilang Angat Buhay o Naga Team ay hindi tumatanggap ng cash donations bilang bahagi ng kanilang pulisiya sa usapin ng transparency.

Dagdag pa ni Robredo na tanging ang ‘Kaya Natin’ movement group lamang ang kanilang inootorisa na tumanggap ng cash donations para sa kanila bilang bahagi ng transparency and accountability.

Hinimok rin nito ang publiko na huwag maniniwala sa mga nagpapanggap bilang Leni Robredo o miyembro ng Angat Buhay.