Nakuhanan ng litrato si Former Vice President Leni Robredo, na sinusulong ang baha na may lalim na hanggang baywang para mamigay ng relief goods sa mga residente ng Zone 6 Sto. Niño, Abella, sa Naga City na apektado ng Bagyong Kristine.
Sa post ng isang residente ng Naga, nagpasalamat ito sa dating bise sa pagbabahay-bahay nito para personal na mag-abot ng tulong sa mga na-trap dahil sa baha.
Una nang iniulat na isa ang Naga sa labis na naapektuhan ng bagyong Kristine sa Bicol Region, sa inisyal na ulat ng pulisya, sa Naga rin ang may pinakamaraming na-recover na bangkay sa ngayon, na nasawi dahil sa pagkalunod sa baha.
Sunod sunod rin ang panawagan ni Robredo ng tulong sa gobyerno maging sa private entities para sa mga kababayan nito sa Naga.
Kabilang sa mga pinanawagan nito ay ang pump boats na magagamit sa rescue operations dahil hindi na umano kinakaya ng trcuks na pasukin ang ilang lugar dahil sa taas ng baha.