MANILA – Kinakalap pa raw ng Department of Health (DOH) ang datos ukol sa bilang ng mga persons deprived of liberty (PDL) na naturukan na ng bakuna laban sa COVID-19.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, hawak ng local government units ang impormasyon sa kung ilang inmates ng kani-kanilang jail facilities ang nabakunahan na.
“Yung mga PDL’s, naisasama yung kanilang masterlist sa loob ng local government units, so iniisa-isa natin ngayon para makita ang PDL’s and how much of them have been vaccinate already,” ani Vergeire sa isang press briefing.
Ang Bocaue Municipal Jail sa Bulacan ang kauna-unahang jail facility sa bansa na nagbakuna ng mga PDL.
Sa isang statement sinabi ni Jail Chief Inspector Xavier Solda na may 148 PDL ng pasilidad ang fully vaccinated na laban sa coronavirus.
May 19 personnel din daw ng Bureau of Jail Management and Penology sa naturang piitan ang kumpletong bakunado na.
“We would like to reiterate our call to our Local Chief Executives to also consider their constituencies behind bars in their vaccination efforts like what Bocaue Mayor Jose Santiago did,” ayon sa BJMP.
Batay sa datos ng BJMP, tinatayang 10,459 ng kanilang personnel at 1,766 PDL ang nabakunahan na laban sa virus. Karamihan daw sa mga ito ay senior citizens at may comorbidity.