-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nasa kostudiya na ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG-Surigao del Norte provincial office sina Jorgeto Santisas o Datu Adlaw at Bae Lourdes Latraca Infante, mga lider ng bogus na indigenous people o IP na Federal Tribal Government of the Philippines (FTGP) kasama ang iba pa nilang mga miyembro.

Ito’y matapos mai-serve ng pulisya kaninang alas-6:00 ng umaga ang warrant of arrest sa kasong usurpation of authority na bailable sa halagang P30,000. 00 dahil sa kanilang pamamadlak sa iilang mga establisamiento ng naturang lungsod nitong Enero a-24 lamang.

Una ng inihayag ni Surigao City Police Station chief PLtCol Mariano Lukban na isolated incident lang umano ang ginawa ng grupo dahil hindi na sila gumawa pa ng karagdagang gulo na inalmahan ng mga tao.