-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nakaranas ngayon ng matinding pagbaha ang bayan ng Datu Montawal Maguindanao dulot ng malakas na buhos ng ulan at pag-apaw ng Pulangi river.

Nanawagan ngayon si Datu Montawal Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Officer Balumol Kadiding sa mga nakatira sa gilid ng ilog at mababang lugar na lumikas na dahil sa patuloy na pagtaas ng lebel ng baha.

Umapaw na sa national highway ang baha at marami na rin ang nagsilikas.

Dalawang bahay ang tinangay ng baha,mga ari-arian,mga alagang hayop at pananim ang sinalanta ng baha.

Ang LGU-Datu Montawal ay agad namahagi ng ayuda sa mga apektadong pamilya sa baha.

Nakaantabay naman 24/7 ang mag-amang-Mayor Datu Otho Montawal at Vice-Mayor Datu Vicman Montawal sa sitwasyon sa nararanasang pagbaha sa kanilang bayan.