CENTRAL MINDANAO – Tumanggap ng Parangal ang Datu Montawal Maguindanao Municipal Police Station (MPS) ng Silver Eagle Award sa katatapos lamang na Proficiency Stage Conferment and awarding ceremony of lower units ng PNP.
Ang Silver Eagle Award ay iginawad sa mga PNP units na may magandang rekord at serbisyo sa taumbayan at bahagi ng Performance Governance System (PGS).
Pang-apat ang Datu Montawal MPS sa iginawad na parangal sa pulisya sa buong lalawigan ng Maguindanao.
Ito ay bunga ng suporta ng LGU-Datu Montawal sa Implementasyon ng PNP P.A.T.R.O.L Plan 2030.
Hinikayat naman ni Datu Montawal Mayor Datu Ohto Montawal ang mga pulis na huwag lamang magtrabaho.
Dahil ito ito raw ay isang responsibilidad bagkus ay gawin lahat nang makakaya upang pagsilbihan ang taongbayan.
Nagpasalamat naman si Datu Montawal chief of police Captain Razul Pandulo sa mag-amang Mayor Ohto at Vice-Mayor Datu Vicman Montawal sa suporta ng lokal na pamahalaan sa pulisya.
Sisikapin rin ng LGU-Datu Montawal na madagdagan ang pondo para sa mga pagsasanay ng kapulisan upang agarang maaksyunan ang iba’t ibang karahasan o krimen.