-- Advertisements --
Sugatan si Datu Piang, Maguindanao Vice Mayor Atty. Omar Samama matapos na barilin habang nagsasalita sa entablado.
Nangyari ito kasabay ng aktibidad kung saan sila namamahagi ng ayuda, pasado alas-10:00 kaninang umaga, Pebrero 24, 2025 sa Barangay Magaslong.
Agad naman siyang naisugod sa ospital matapos ang pangyayari.
Sa kasalukuyan stable na ang kondisyon ng bise alkalde habang nagpapagaling mula sa tinamong sugat.
Si Samama ay muling tumatakbo bilang vice mayor sa ilalim ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP).
Nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang mga otoridad hinggil sa naturang pangyayari.