CENTRAL MINDANAO-Nagbalik-loob sa gobyerno ang isang terorista sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang rebelde na si alyas Tato,bomb expert at bomb maker ng Daulah Islamiyah Terrorist Group.
Sumuko si Tato sa tropa ng 90th Infantry (Bigkis-Lahi) Battalion Philippine Army sa pamumuno ni Lieutenant Colonel Rommel Mundala.
Ang rebelde ay i-prenesenta kay 602nd Brigade Commander Colonel Jovencio Gonzales at Vice-Mayor Roger Ryan TaliƱo sa Camp Lucero Carmen Cotabato.
Isinuko ng terorista ang isang M14 rifle,mga bala at magasin.
Kinomperma naman ni 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major/General Juvymax Uy na si alyas Tato ay high value targets ng militar at pulisya.
Sangkot ang suspek sa kasong pambobomba,murder,arson,kidnapping at iba pa.
Sumuko si Tato sa pinagsanib na pagsisikap ng militar,pulisya at LGU-Carmen.
Hinikayat muli ni MGen Uy ang mga terorista,BIFF,Armed Lawless Group,NPA at ibang grupo ng mga rebelde na sumuko na at mamuhay ng mapayapa.