-- Advertisements --

DAVAO – Nakaranas na ngayon ng mga pag-ulan ang lungsod ng Davao at ilang bahagi ng Davao region dulot ng Bagyong Crising kung saan apektado nito ang lalawigan ng Davao del Norte.

Una nito, nakaranas ng mga storm surge ang Bangaga Davao Oriental dahil sa malakas na hangin.

Alerto naman ngayon ang Municipal and Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa mga lalawigan na sakop ng Davao del Norte at Occidental sa mga pagbaha ang landslide sa lugar.

Maliban sa Davao, nagpalabas na rin ng kautusan ang Davao del Norte na suspendido rin ngayong araw ang trabaho at pasok sa mga pampublikong opisina at paaralan para maiwasan ang casualty.

Kaninang alas kuwatro ng madaling araw nagsimulang bumuhos ang ulan sa lungsod at ilang bahagi ng Davao region dahilan na alerto ngayon ang mga miyembro ng CDRRMO at hinahanda na rin ang mga evacuation center kung sakaling may mga residente na kailangang ilikas dahil sa Bagyo.

Nanawagan naman si CDRRMO head Alfredo Baluran sa mga ililikas na mga residente na panatilihin pa rin ang health protocols lalo na at nananatili pa rin ang banta ng covid 19 sa lungsod.