-- Advertisements --
Sa ikalawang pagkakataon muling nahalala bilang pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) si Davao Archbishop Romulo Valles.
Nitong gabi nang ihalal Plenary Assembly ng CBCP si Valles kasama si Caloocan Bishop Pablo Virgilio David bilang vice president sa ikalawa ring termino.
Ito na ang ikalawa at huling termino ni Valles para pangunahan ang konseho ng mga obispo sa bansa.
Bukod sa paghalal sa mga bagong lider ng CBCP, tinatalakay din ngayon ng mga obispo sa Pope Pius Center ang mga paghahanda para ika-500 anibersaryo ng pagkakatatag sa Kristiyanismo.
Kilalang malapit kay Pangulong Rodrigo Duterte si Valles na tubo ring Davao City.