-- Advertisements --

DAVAO CITY – Inihatid na sa kanyang huling hantungan ang pumanaw na si Davao City Archbishop Emeritus Fernando Capalla.

Isa sa mga dumalo sa funeral Mass ni Bishop Capalla ay si Dating pangulo at Davao City Mator Rodrigo Duterte, kasama sila senators Bong Go, Ronald “Bato” dela Rosa, National Defense Secretary Norberto Gonzales at ang dating aktor na si Philipp Salvador.

Sa kanyang mensahe, inihayag ni dating CBCP President at Davao City Archbishop Romulo Valles na hindi niya malilimutan ang kabutihan ni Archbishop Capalla.

Dagdag pa nito, na sincero at totoo ang kanyang panunungkulan bilang arsobispo dito sa lungsod ng Dabaw at sa kabuoan ng Mindanao.

Binigyang diin din nito na ito’y nagsilbing maunawaing ama sa lahat ng kaparian dito sa Mindanao.

Matatandaan na pumanaw si Bishop Capalla sa edad na 89 noong Enero 6, 2024.

Siya ang pangatlong Arsobispo ng Davao City na inilibing sa crypt o underground cemetery ng San Pedro cathedral.