DAVAO CITY – Isasailalim pa sa Mindanao League ang mga manlalaro ng Region XI sa Palarong Pambansa. Sa naging panayam sa Bombo Radyo, inihayag ni DEPED Region XI Spokesperson Dodong Atillo ang malaking pagbabago sa paparating na Palarong Pambansa.
Hindi pa umano mai-garantiya ang pagkapanalo ng isang atleta sa DAVRAA para makapasok sa Palarong Pambansa. Kung pagbabasihan anya ang bagong guidelines ng Palarong Pambansa, kakailanganin pa ng mga atleta mula sa lahat ng rehiyon sa Mindanao na maglalaban laban sa Mindanao League prequalifying game.
Ang grupo na makakapwesto sa rank 1 at rank 2 sa Mindanao League, ang gagawing delegado sa Mindanao sa Palarong Pambansa.
Sa kakatapos lang na DAVRAA, nadepensahan sa Davao City Durians ang kanilang titulo bilang overall champion sa Davao Regional Athletic Association (Davraa) 2023 matapos makuha ang kabuuang 365 medals mula sa elementary and high school categories.
Nasungkit ng Davao City ang 174 gold medals, 109 silver medals, at 82 bronze medals sa iba’t ibang larangan sa Davraa 2023. Sa Demo games, nahakot din ng Durians athletes ang 24 golds, seven silver, at one bronze, habang 18 golds, 10 silver, at six bronze medals naman ang nakuha sa Para games.
Sa kabuuan, nakakuha ang Davao City ng 365 medals; sinundan ito ng Tagum City sa 186 medals, Davao del Norte na may 130 medals.