-- Advertisements --

DAVAO CITY – Dahil sa dami ng mga empleyadong nahawa ng Corona virus (COVID-19) isasailalim simula ngayong araw sa lockdown ang Hall of Justice na nasa Ecoland sa lungsod.

Nabatid na agad nagpalabas ng kautusan si Atty. Midas Marquez, ang Court Administrator sa Hall of Justice ng Davao na magpatupad kaagad ng total lockdown sa gusali dahil marami na umano sa mga empleyado ang nagkakahawaan.

Sinasabing magsisimula ito ngayong araw Setyembre 6 hanggang 17 nitong taon ang lockdown sa mga opisina para agad makapagsagawa ng disinfection.

Kung maalala, una na rin na nakapagtala noon ng mga kaso ng COVID-19 ang Hall of Justice ngunit hindi apektado ang kanilang operasyon dahil ginagawa ang hearing, pagsasampa ng mga kaso at iba pang transaksiyon sa pamamagitan ng online.