DAVAO CITY – Kasalukuyang pinakikilos ng lokal na pamahalaan ng Davao City ang pagbibigay ng ayuda sa probinsya ng Davao de Oro na nanatili pa ring apektado ng mga kalamidad tulad ng lindol at baha lulan ng masamang panahon sa buong Davao Region.
Ayon kay Committee on Finance, Ways and Means and Appropriations Chairperson at Davao City 3rd District Councilor Myrna Dalodo Ortiz, nakikipagtulungan na ngayon ang Davao City Council sa Davao City Disaster Risk Reduction Management Office para sa mga kinakailangang rekomendasyon na maihahatid naman sa committee of finance ng konseho.
Aniya, isa sa mga pre-requisites ng pagbibigay ng financial aid sa isang nasalantang probinsya ay ang kanilang opisyal na deklarasyon ng state of calamity.
Matatandaang unang nagdeklara nito ang mga munisipalidad ng New Bataan at Maragusan matapos ang pananalasa ng magnitude 5.9 na lindol noong ika-7 ng Marso.
Habang pormal namang naideklara nito lamang Marso 11 ang state of calamity sa buong probinsya ng Davao de Oro matapos ang sunod-sunod na mga aftershocks noong nakalipas na linggo, at ngayong naman ang pagbaha at landslide sa ilang bahagi ng probinsya.