DAVAO CITY – Aprubado na ng 19th Davao City Council ang resolusyon na hindi na isali ang lungsod sa ipinapatupad na martial law sa Mindanao.
Mismong si committee of peace and public safety chair Councilor Mabel Acosta ang naghain ng resolusyon kung saan humihiling ito kay Pangulong Rodrigo Duterte na alisin ang Davao sa umiiral ngayon na batas militar.
Sa kanyang mensahe, sinabi ng konsehal na kahit may “economic progress” sa lungsod sa loob ng dalawang taon maaaring makaapekto pa rin ito sa business, trade at investment.
Una na rin na nagpahayag si Mayor Sara Duterte-Carpio ng plano niyang hilingin kay Pangulong Duterte ang nasabing hakbang dahil umano ito sa mga “concern” ng ilang mga business officials at foreign delegates kasabay ng isinagawang Davao Icon sa lungsod.
Hiniling din ng alkalde sa security forces na gumawa ng assessment patungkol sa sitwasyon ngayon sa siyudad.