-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nais pasalamatan ng Lokal na pamahalaan ng lungsod ng Dabaw ang National Capital Regional Police Office at ang lahat na naging bahagi ng agresibo at matamgumpay na pagkilos laban sa mga miembro ng isang organized crime group ngn mga scammers nga gumagamit sa pangalan ni Davao City Mayor Sara Duterte at sa iba pang mga opisyal ng lungsod sa kanilang illegal na aktibidad.

Ang naturang grupo ay siyang utak sa mga illegal solicitation ng campaign funds para umaboi sa kandidatura ni Mayor Inday Sara sa 2022.

Nagpakilala umano ang mga ito bilang mga opisyal ng city hall of Davao sa mga negosyante na kanilang tinatawagan upang humingi ng salapi.

Matatandaan na sumuko sa NCRPO noong July 30, 2021 at ipresenta sa media kahapon August 4, 2021 ang mga suspect na nakilalang sila Patrick Orinio Cerbito, Ramon Segundo, Antonio Cerbito, at Antonio Segundo na pawang mga miembro ng Cerbito-Hernandez Organized Group.

Matatandaan na na-una nang nagpalabas ng kanyang official statement si Mayor Inday Sara patungkol sa naturang solicitation at fundraising activities para sa kanyang kandidatura sa 2022 elections.

Sa kanyang official statement, nanawagan si Mayor Inday Sara sa publiko na mag-ingat dahil wala siyang pinahintulutan na kahit ano mang grupo na magsagawa ng fundrasing at humingi ng pera sa mga negosyante at mga probadong indibiduwal para sa kanyang kampanya.