-- Advertisements --

DAVAO CITY- Nagkaharap sila Davao city Mayor Sara Duterte-Carpio at Chinese Consul General Li Lin sa city hall nitong lungsod.

Pinag-usapan ng dalawang mga leader ang mga bagay na may kaugnayan sa trade and investment sa pagitan ng China at Davao City.

Pinaabot ni ConGen Li Lin kay Mayor Sara Duterte na ang Consulate General’s Office ay gumagawa ng hakbang upang makombinsi ang Local Chinese Food Associations sa China na magsagawa ng kanilang M.I.C.E. events dito sa lungsod ng Dabaw.

Masaya din umano si ConGen Li Lin na ibahagi ang kaugnayan sa isang Chinese sports brand at ang isang food manufacturing company ng kanilang bansa ay kinokonsedera na mag-expand ng kanilang negosyo dito sa lungsod.

I-minungkahe rin ng Alkalde na ang mga raw materials na kakailanganin sa ibat-ibat Chinese manufacturing companies maaaring i-supply ng mga magsasaka ng Paquibato District, sa pamamagitan ng DC Peace 911.

Ngayong taon, gaganapin ang 45th Anniversary ng China-Philippines Diplomatic Ties.

Matatandaan na nagdonate ng dalawang bus ang sister city ng syudad ng Nanning, China kung saan ang isa ay kasalukuyang ng ginagamit ng mga public school teachers papuntang Marilog District, samantalang ang isa ay gagamitin naman ng Davao City Investment and Promotions Center.