-- Advertisements --
Nanawagan si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa mga supporters nito na magsasagawa ng caravan para hikayatin itong tumakbo sa pagkapangulo na huwag ng ituloy ang kanilang plano.
Sinabi ng presidential daughter na magiging aksayado lamang sa krudo ang gagawing pag-iikot ng caravan.
Mas maganda aniya kung ituon na lamang sa ibang paraan ang nasabing caravan.
Tinutukoy ng Davao City Mayor ang planong malawakang caravan ng Sara All Philippines 2022 sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Magugunitang maraming grupo ang nagtutulak sa alkalde na tumakbo ito sa pagkapangulo kahit na nauna ng sinabi nito na tatapusin niya ang tatlong termino sa pagka-alkalde ng lungsod ng Davao.