-- Advertisements --

Tinanggap na ni Davao City Mayor at vice-presidential aspirant Inday Sara Duterte-Carpio ang pagiging chairman ng Lakas-CMD party para sa 2022 national elections.

Ang nasabing puwesto ay una nang inalok sa kaniya ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. na siyang tumatayong dating chairman ng partido.

Sinabi ng kaniyang tagapagsalita na si Liloan City Mayor Christina Frasco na labis na nagagalak umano ang Davao City mayor sa pagtanggap nito ng chairmanship ng nasabing partido.

Dahil aniya sa suporta ng partido ay nakikita niya ang tagumpay ng Uniteam na BBM-Sara.

Magugunitang kinumpirma ng presidential daughter na pumayag na itong makipagtambalan kay presidential candidate at dating Senador Ferndinand “Bongbong” Marcos Jr.