Kinumpirma ng opisina ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na nagpositibo ang alkalde sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa Facebook post, sinabi ng Davao City mayor’s office na nakararanas ng mild symptoms ang alkalde at nasa isolation ito kasama ang ilang miyembro ng pamilya para sa medical attention.
Hiningi naman ng pamilya ng alkalde na gawing pribado muna ang kanilang oras ngayong nadapuan ng virus ang ina ng Davao City.
“The family requests for complete privacy at this time and respectfully urge the public to refrain from sending tokens for well wishes,” ayon sa Davao City mayor’s office.
Kasabay nito, nanawagan din ang opisina ng alkalde sa mga nakasalamuha ni Duterte-Carpio sa loob ng 14 days na magsagawa ng self-monitoring para sa mga sintomas ng COVID-19.
Maliban dito, hiniling din nilang magpa-RT-PCR test ang mga nakasalamuha nito ng lima hanggang pitong araw bago mag-positibo ang mayor sa COVID-19.