-- Advertisements --

DAVAO CITY – Hindi sinang-ayunan ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio ang panukala na ipasara ang mga libingan sa panahon ng Undas.

Aniya, mas mabuting hindi na hintayin ng mga gustong dumalaw sa mga libingan ang karaniwang petsa ng paggunita sa mga kamag-anak na sumakabilang buhay.

Ito ay para na rin maiwasan ang pagkumpol-kumpol ng mga tao na siyang maging tulay upang lalong mahawaan ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Nauna na rin nitong inatasan ang city diretcor ng pulisya ng lunsod na paghandaan ang mga karampatang panuntunan upang mapapanatili ang mga health protocol sa loob ng mga libingan lalo na ang physical o social distancing.