DAVAO CITY – Muling niyanig ang lungsod ng Davao at karatig na mga probensiya pasado alas tres nitong hapon ng Martes.
Batay sa data ng Philippine Volcanology and Seismoloy (Phivolcs) eksaktong alas 3 ng hapon naramdaman ang magnitude 4.2 na lindol kung saan tectonic in origin at ang epicenter nito ay nasa kanlurang bahagi ng bayan ng Lupon sa probinsiya ng Davao Oriental.
Samantala, naitala naman ang intensity 3 dito sa lungsod ng Davao at intensity 1 naman sa Koronadal City.
Matatandaan na pasado alas 9 gabi ng Lunes ng maramdaman rin ang intensity 4 na lindol dito sa lungsod ng Davao kung saan walong mga condominium building mula sa 52 mga i-ninspection na estrakrura ay binigyan ng red tag ng City Building Office, o ibig sabihin kailangang lisanin na ng mga okupante ang kanilang unit sa lalong madaling panahon.
Samantala, dalawang mga classroooms naman ng Agdao Elementary school dito sa lungsod ang dinhi na pinagagamit ng DepEd matapus ang tatlong sunod-sunod na lindol noong Oktobre.
Ang naturang paaralan ay kabilang sa 344 schools sa Davao region na apektado ng lindol.