-- Advertisements --

DAVAO CITY – Naghahanda na ngayon ang lungsod sa pagdating ng incorrupt heart relic ni St. Camillus de Lellis, patron saint sa mga maysakit, doctor, nurse at iba pang mga health workers.

Nabatid na dadalhin ang relic sa Davao, Mati, at Cagayan de Oro ngayong buwan bilang bahagi ng 57-day Journey of the Heart 2.0 sa ilang mga siyudad at probinsiya sa Pilipinas kung saan sinimulan ito noong Pebrero 2 hanggang Marso 31 nitong taon.

Temporaryong ilalagay ang heart relic sa Southern Philippines Medical Center sa lungsod sa Marso 13 mula sa Bacolod bilang bahagi ng itinerary.

Una na nang bumuhos ang mga deboto ng St. Peter at Paul Cathedral sa Calbayog, Samar para magbigay ng respeto sa incorrupt heart relic ni St. Camillus de Lellis.

Ang relic ay ilalagay din sa San Pedro Hospital sa lungsod sa Marso 14 at San Pedro Cathedral sa Marso 15 para sa Eucharistic masses at public veneration sa mga deboto.

Nakatakda rin na dadalhin ang heart relic sa Mati City kung saan temporaryo itong ilalagay sa San Nicolas de Tolentino cathedral sa Marso 16; St. Camillus Hospital sa Marso 17; at St. Camillus Chaplaincy Community sa Davao City sa March 18.

Nabatid na noong taong 2013 ng dumating sa bansa ang heart relic kung saan isa ang Davao at Mati sa destinayson nito.

Ngayong taon, kabilang sa Mindanao journey nito ang Cagayan De Oro.