-- Advertisements --

DAVAO CITY – Naglabas na ang Eden Police Station ng person of interest sa rape murder case ng isang 12 taong gulang na bata sa Barangay Sibulan, Toril District, Davao City.

Ayon kay Eden Police Station Commander Police Major Jonnel Bonguyan, apat na person of interest ang itinuturo ng saksi na dumaan sa crime scene noong araw din kung saan natagpuang nakahandusay at wala nang buhay ang menor de edad na biktima.

Maalalang kalunos-lunos ang kalagayan ng isang menor de edad na natagpuang wala ng buhay sa creek nitong nagdaang linggo. Puno ng pasa at gasgas ang katawan ng biktima, nagtamo din ito ng bali sa bewang at paa na indikasyon umano na nanglaban ang biktima sa mga suspek. Kasabay ng imbestigasyon ay nagsagawa na rin ng reenactment ang kapulisan sa nangyaring krimen.

Kinumpirma din ni DCPO Spokesperson Police Major Catherine Dela Rey, na positibong ginahasa ang biktima, ito ay base sa autopsy na isinagawa ng Regional Crime Laboratory Office (RCLO) XI. Habang asphyxia by manual strangulation at suffocation ang itinuturong ikinamatay nito.