DAVAO CITY – Nagpapaalala ngayon ang Davao City Police Office sa mga magulang o guardian na bantayan ang kanilang mga anak lalo na ang mga menor de edad ngayong Valentine’s Day.
Ayon sa tagapagsalita na si PMaj. Catherine Dela Rey, handa na ang kapulisan na magmamanman sa mga inns at motels sa buong lungsod.
Magdaradag din ng nga magpapatrol na mga personahe na idedestino sa mga tourist spots, bars, restaurants at hotels dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga tao upang ipagdiwang ang araw ng mga puso.
Aniya, mahigpit din nilang binabantayan ang mga bahay-patuluyan na nauna nang nakipagtulungan upang tutukan ang mga magkarelasyon na magdadala ng menor de edad sa loob ng establisyemento.
Matatandaang nagbabala ang kapulisan sa mga may-ari ng motels na huwag magpapapasok ng menor de edad, o mga bisitang magdadala ng menor de edad ngayong Valentine’s Day.
Mahaharap sa kasong kriminal ang sinumang magpapa-check in ng mga bata sa loob ng tutuluyang hotel sa lungsod.
Dagdag pa ng opisyal na suriin ring mabuti ng management ang Valid Identification Card ng mga kustomer bago pa mag-check in.