-- Advertisements --
Bukas ang Davao City Police Office sa imbestigasyon kaugnay sa Davao death squad ayon kay DCPO spokesperson PCpt. Hazel Tuazon.
Subalit dumistansiya ito sa pagbibigay ng komento sa naging mga pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagharap niya sa Senate hearing na may death squad noong siya ay Mayor ng Davao city.
Ang naturang death squad ay sinasabing responsable umano sa mga pagpatay sa mga drug suspect sa Davao city at ginamit na model para sa drug war ni dating Pangulong Duterte.
Sa pagdining nga ng Senate Blue Ribbon sub-committee noong Lunes, Oktubre 28, inamin ng dating Pangulo na may death squad na binubuo ng 7 miyembro subalit nilinaw niyang hindi pulis ang mga ito kundi mga gangster, na ayon kay Duterte ay pumanaw na.