DAVAO CITY – Pormal na tinanggap ng Davao City ang mga delegado mula sa iba’t ibang bansa para sa tatlong araw na Meetings, Incentive Travel, Conventions and Exhibitions (MICE) Conference 2023 na gaganapin sa SMX Convention Center mula Marso 1 hanggang ngayong araw, Marso 3, 2023, ito ay matapos nanalo ang lungsod sa bidding noong 2019 para idaos ang nasabing aktibidad.
Pinangunahan ni Vice Mayor J. Melchor Quitain at Tourism Promotions Board COO Margarita Nograles ang opening ceremony kung saan ayon sa datos, mahigit 500 in-person delegates sa Davao at daan-daang virtual delegates ang inaasahang lalahok sa MICECON 2023 edition.
Sa temang “Blazing New Trails” ipapakita ng MICEON ang mga paraan kung paano binago ng COVID-19 pandemic ang industriya.
Dagdag pa rito, tatalakayin din ng lahat ng mga inimbitahang tagapagsalita ang mga iba’t ibang larangan na nakakapekto sa industriya tulad ng global and new trends in the MICE industry, tourism regeneration, cutting-edge event designs, sustainable practices, technological innovations at marami pang iba.