Nilinaw ngayon ng Davao City Regional Trial Court Branch 15 na hindi nila kinakansela o pinapawalang saysay ang warrant of arrest laban kay Pastor Apollo Quiboloy at iba pang mga akusado sa human trafficking at sexual abuse cases.
Batay sa Clarificatory Order ng korte na inilabas nitong Miyerkules, sinabi ng hukuman na mananatili ang mga proseso ukol sa arrest order dahil ito ay nakasalig sa kautusan ng isa pang korte.
Nag-ugat ito sa una nang inilabas na Temporary Protection Order (TPO).
“To emphasize, the issued TPO did not cancel or nullity the processes related to warrants of arrest. Both serve different purposes and are not contrudictory with each other”
JUDGE MARIO DUAVES
Ang panibagong dokumento mula sa Davao court ay pirmado ni Judge Mario Duaves.
Dito ay inaatasan ang clerk of court na isilbi agad ang direktiba sa mga partido sa kaso, kabilang na ang mga opisyal ng pulisya at Kingdom of Jesus Christ (KOJC).