-- Advertisements --

DAVAO CITY – Kinumpirma ni Davao de Oro Governor Jayvee Tyron Uy na nagpositibo ito sa Covid-19 dahilan na nananawagan ito sa publiko na mag-doble ingat.

Nakaranasan umano nito ang sintomas sa nakaraang araw kung saan nakaranas ito nga ubo at lagnat.

Agad umano siyang sumailalim sa test at lumabas sa resulta na nahawa siya ng virus.

Muli rin itong sumailalim sa swabbing paglipas ng ilang araw ngunit nananatili itong positibo.

Pinayuhan rin ng gobernador ang kanyang mga close contact na sumailalim sa self-isolation at magpa-test lalo na kung may mararanasan na mga sintomas ng covid.

Samantalang sinabi rin ng gobernador na sa kasalukuyan, isinailalim pa ron ang probinsiya sa Alert Level 2 hanggang Enero 31, ngunit naranasan na rin nila ngayon ang pagtaas ng kaso sa lalawigan.

Naghahanda na rin sila sa posibleng surge pagpasok sa Pebrero nitong taon lalo na at nakapasok na sa Davao region ang Omicron variant.