-- Advertisements --

DAVAO CITY – Muling na namang naranansan ang malakas na pagyanig sa davao region alas 2:02 ng hapon ngayong araw. Batay sa record ng Phivolcs naitala ang epicenter sa New Bataan, Davao de Oro kung saan may lakas itong 6.2 magnitude at may lalim na 34 kilometers

Dahil sa lakas na pagyanig gumuho ang lupa sa bahagi ng Caragan, Maragusan Davao de Oro, nabasag ang mga salamin at nagtamo naman ng mga crack ang building ng Gmall sa Tagum city.

Nabasag rin ang parte ng LED wall na ginagamit sa aktidad ng 25th Bulawan Festival ng Kapitolyo ng Davao de Oro.

Samantala kaagad namang nagsi-uwian ang lahat ng mga empleyado ng Maragusan LGU matapos deneklara ni Maragusan Mayor ANgleito Cabalquinto ang suspension ng trabaho sa gobyerno sa kanilang lugar.

Kaagad namang inilabas ang mga pasyente mula sa Davao de Oro Provincial Hospital sa Maragusan kung saan personal na pinuntahan ni Mayor Cabalquinto upang makita ang sitwasyon ng mga ito.

Samantala, naitala naman ang intensity 3 dito sa lungsod ng Dabaw.

Matatandaan na kahapon ay niyanig din ng 5.3 magnitude na lindol ang New Bataan, Davao de Oro na nag-resulta pagbitak ng mga lupa at pagguho ng isang parte ng Shadol o Maragusan – New Bataan Highway sa Davao De Oro.