-- Advertisements --

Niyanig ng 5.1 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Davao Region.

Naramdaman ito kaninang 11:33 ng umaga.

May lalim itong walong kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Natukoy ang epicenter sa layong isang kilometro sa timog silangan ng New Bataan, Davao De Oro.

Reported Intensities:

Intensity V – Pantukan, Mabini at Maco, Davao de Oro

Intensity IV – City of Tagum, Davao de oro; City of Bislig, Surigao del Sur

Instrumental Intensity:

Intensity V – Nabunturan, Davao de Oro

Intensity I – City of Digos, Davao City, Matanao at Magsaysay, Davao del Sur; at Malungon, Sarangani