-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nakitaan ng mga bitak ang davao de oro provincial hospital rason na hindi pa maaring makabalik ang mga pasyente na temporaryong inilikas sa Montevista Sports Complex dahil na rin sa epekto ng pagyanig ng magnitude 6.1 na lindol.

Dahil rito, nagsagawa ng Structural Intensity Assessment ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Office sa Davao De Oro Provincial Hospital para sa patuloy na pagmomonitor ng epekto ng malakas na pagyanig sa nasabing ospital.

Bumisita rin si Governor Dorothy Montejo-Gonzaga kasama sina Congressman Ruwel Peter Gonzaga, Acting Provincial Administration Fatima Montejo, at Mayor Cyrex Basalo.

Samantala, nagbigay rin ng tulong pinansyal ang provincial government sa 90 na mga pasyente na temporaryong inilipat sa sports complex at 67 ba mga pasyente na nandoon ngaton sa safe area ng ospital.

pagsisikapan rin umano ng hospital na mailipat ang mga naiwan pang pasyente nganong araw.

Magpapadala rin ng mga tents ang Provinciql Government sa sports complex para sa mga pasyenteng nasa surgery.
Narito ang pahayag ni Davao De Oro
Governor Dorothy Montejo-Gonzaga

Batay sa datos, aabot na lang sa 85 na mga pasyente ang naiwan sa Sports Complex ng Montevista galing sa 122 na orihinal na bilang dahil naibalik na ang iba sa ospital.

Halos din sa mga inilipat na mga pasyente nabibilang sa pedia, surgery at medicine dahil sa nakitang bitak sa dingding ng ground floor ng ospital kung saan naroroon ang kanilang mga wards.

Pinakamadami sa mga pasyente galing sa Medicine ward na aabot umano ng isang daang katao. Nakabalik na din ang mga pasyente na nakakalakad at dili nakakalakad sa 2nd floor ng naturang hospital.

Patuloy parin ang monitoring ng nasabing ahensya sa iba pang mga establismento sa papamgitan ng kanilang Assessment team na naka assign sa magka ibang lugar.