DAVAO CITY – Dalawang 5.9 magnitude na lindol ang naganap sa loob lamang ngayong araw sa New Bataan Davao de Oro.
Unang niyanig ang New Bataan alas 2:02 ng hapon at matapos ang mahigit sampong mga aftershocks muli na namang niyanig ng 5.9 magnitude na lindol ang New Bataan alas 4:29 ngaytong hapon rin.
Dahil dito block out o Walang kuryente at walang internet ang naturang lugar at ang iilang karatig na mga munisipyo.
Dahil sa lakas na pagyanig gumuho ang lupa sa bahagi ng Caragan, Maragusan Davao de Oro, nabasag ang mga salamin at nagtamo naman ng mga crack ang building ng Gmall sa Tagum city.
Nabasag rin ang parte ng LED wall na ginagamit sa aktidad ng 25th Bulawan Festival ng Kapitolyo ng Davao de Oro.
Kaagad namang inilabas ang mga pasyente mula sa Davao de Oro Provincial Hospital sa Maragusan kung saan personal na pinuntahan ni Mayor Cabalquinto upang makita ang sitwasyon ng mga ito.
Kaagad namang nagsi-uwian ang lahat ng mga empleyado ng Maragusan LGU matapos deneklara ni Maragusan Mayor ANgleito Cabalquinto ang suspension ng trabaho sa gobyerno sa kanilang lugar, at pati na rin si Davao del Norte Governor Edwin Jubahib ay nag-suspende sa trabaho at klase sa buong probensiya ng davao del norte
Samantala, wala namang naiulat na mga damyos o nasugatan dito sa Davao City na nagtala ng intensity 3.
Inihayag ni Patrolwoman Rutchille Betasula ng DCPO, kaagad nagsagawa ng assessment and City Engineers office sa Sanguniang panlungsod Bldg kung saan walang nakita na ano mang damyos kaya kaagad na pinabalik ang mga tawo.
Samantala, patuloy naman ang regular classes ng mga estudyante dito sa Davapo city pero inihayag ni Marlou De Asis, school principal ng Magallanes Elementary School may ilang mga magulang ang kaagad na sinundo ang kanilang mga anak sa takot na masundan pa ang pagyanig.
Nauna nang niyanig din ng 5.3 magnitude na lindol ang New Bataan, kahapon ng madaling araw na nag-resulta sa pagbitak ng mga lupa at pagguho ng isang parte ng Shadol o Maragusan – New Bataan Highway sa Davao De Oro.