-- Advertisements --

DAVAO CITY – Hindi pa nagbigay ng kanyang pahayag si Davao del Sur Vice Governor Marc Douglas Cagas IV patungkol sa inilabas na 10 pahina ng December 3 Resolution, kung saan suspendido ang opisyal dahil kasong kinakaharap nito dahil sa sinasabing paglipat ng kanyang P9.3 million Priority Development Assistance Fund (PDAF) sa mga entities na pagmamay-ari ni pork barrel scam mastermind Janet Napoles.

Kung maalala, nasa 90-day preventive suspension ang inilabas na desisyon ng Sandiganbayan dahil sa kwestyunableng paggamit ng kanyang PDAF noong 2008.

Kung maalala, sinampahan rin noon sa anti-graft court ngv sandigan bayan ang kanyang ama na si Davao del Sur Governor Douglas Cagas dahil rin sa pagkasangkot sa pork barrel scam noong kongresista pa lamang ito.

Inilaan rin umano nito ang kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) sa ghost projects noong 2007.