DAVAO CITY – Nananatili pa rin sa loob ng Intensive care unit ng Medical Center of Digos Cooperative si Davao del Sur Governor Douglas Cagas matapus itong isinugod sa ospital nitong araw ng Huwebes.
Sa ngayon hindi pa nagpalabas ng pahayag ang kampo ni Cagas sa kung ano ang dahilan ng pagkaka-ospital nito.
Matatandaan na noong May 16, 2021, nakatanggap na ng kanyang first dose ng sinovac vaccine ang 77 anyos na gobernador laban covid 19.
Pero ayon sa mga ulat, ilang araw matapos mabakunahan ay parang nanghihina umanong bigla ang naturang gobernador na sinasabing dati ay mayroong malusog na pangangatawan.
Nagpahayag rin ng kani-kanilang panalangin ang mga taga Davao del sur para sa agarang paggaling ng kanilang gobernador.
Hanggang sa mga oras na ito dagsa parin sa labas ng bahay pagamutan ang mga supporter ng gobernador matapos mabalitaan na hindi mabuti ang kalagayan nito ngayon.