-- Advertisements --

Nagpaabot nang pasasalamat ang vice presidential frontrunner na si Davao Mayor Sara Duterte sa isang miyembro ng partido na nag-substitute sa kanya ilang araw bago ang pagtatapos noong nakaraang taon sa filing ng certificate of candidacy (COC) sa kanyang vice presidential bid.

Espesyal na pinasalamatan ng presidential daughter si Lakas-CMD member Lyle Uy dahil sa pagtanggap sa hamon na maging kandadito muna ng partido.

Samantala, inamin din naman ng alkalde na habang nasa kasagsagan ng halalan noong Lunes, ay tinulugan daw lamang niya ito.

Aniya, kumpiyansa naman siya sa kanyang mga staff na nagbabantay sa botohan.

Sa ngayon mahigit na nga sa 31 million batay sa partial unofficial vote counts ang kanyang natitipon.

Sa panayam naman ng Bombo Radyo Philippines sa tagapagsalita ni Mayor Sara na si Liloan, Cebu Mayor Christina Garcia Frasco, iniulat nito na sinamahan niya ang susunod na pangalawang pangulo sa pagtungo sa Metro Manila upang magpasalamat sa mga malalapit na supporters.

Sa ngayon aniya ay inaantay pa ni Mayor Sara ang pormal na proklamasyon na sana mangyari na raw sa lalong madaling panahon.

Kasabay nito, nanawagan din ang kampo ng alkalde sa ibang mga partido na igalang ang resulta ng halalan dahil overwhelming naman daw ang nakuha nilang boto.

Naniniwala rin naman si Mayor Frasco na magiging unifier na lider si Mayor Sara.