DAVAO CITY – Tiniyak ni Atty. Lawrence Bantiding, assistant city administrator na wala ng mga playing venues na gagawin sa labas ng Davao kaugnay ng nalalapit na Palarong Pambansa 2019 o kung may mga malalaking sports activities na isasagawa sa lungsod.
Ayon pa kay Bantiding, halos kompleto na ang mga pasilidad sa itinayong sports complex sa loob ng UP Mintal sa lungsod.
Sa kasalukuyan, halos tapos na rin ang Olympic size na swimming pool na 24 oras ang trabaho at magagamit na ito bago ang Palaro ngayong buwan.
Dagdag pa ni Atty. Bantiding, 99 porsyento na ring nakahanda ang siyudad sa Palarong Pambansa at hinihintay na lamang ngayon ang mga bleachers, frames at roofing nito na magmumumula sa bansang Vietnam.
Ang 2019 Palarong Pambansa ay magsisimula sa April 27 hanggang May 4.