-- Advertisements --

DAVAO CITY – Isinailalim ngayon sa alert level 4 ang lalawigan ng Davao Occidental dahil sa pagtaas ng Covid-19 transmission na siyang dahilan na tumaas kini ang bed utilization at intensive care unit (ICU) rates sa lugar.

Ang nasabing kautusan ay inilabas ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).

Ayon pa kay Rachel Joy Pasion, Department of Health (DOH)-Davao Regional Epidemiology Surveillance Unit head, na sa kasalukuyan ay hindi pa ina-dopt sa rehiyon ang alert level stratification na ipinatupad ngayon sa National Capital Region (NCR).

Nabatid na ang mga areas na nasa Alert Level 4, ang ikalawa sa pinakamataas na alert level, ay nagpapakita ng pagtaas ng kaso kung saan apektado na ang Covid-19 bed at intensive care beds at may pagtaas sa utilization rates sa mga hospital.

Nanawagan ngayon ang opisyal na kailangan doblehin pa ang active case finding, magsagawa ng risk-based testing gamit ang reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR), at doblehon pa ang vaccination sa mga high-risk groups.

Makakatulong rin ang pagpapatupad granular lockdowns sa mga barangay pababa sa household level para mapigilan ang transmission.

Nabatid na ang Davao City ug Davao del Norte ang isinailalim ngayon sa alert level 3, samtang ang Davao de Oro, Davao del Sur, at Davao Oriental ay parehong nasa alert level 2.