-- Advertisements --
Muling niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang Balut Islands sa Saranggani, Davao Occidental.
Batay sa naging naging monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismoloy (PHIVOLCS), nangyari ang naturang pagyanig kaninang 8:04 ng umaga.
Naitala naman ang sentro nito sa layong 223 kms sa timog silangang bahagi ng Balut Islands.
Ayon sa Phivolcs, techtonic ang pinagmulan ng naturang pagyanig kung saan natukoy ang lalim nito sa 172 kilometers
Batay sa ulat ng Phivolcs, wala namang inaasahang mga aftershocks o anumang pinsala sa naturang pagyanig.