-- Advertisements --

Niyanig ng 4.7 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Mindanao nitong Martes lamang.

Naramdaman ito kaninang alas-11:30 ng tanghali.

May lalim itong 36 km at tectonic ang pinagmulan.

Natukoy ang epicenter sa 287 km sa timog silangan ng Balut Island, Municipality of Sarangani, Davao Occidental.

Wala namang inaasahang malaking pinsala mula rito at wala ring posibleng aftershocks mula sa nabanggit na pagyanig.