Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang lugar ng Davao Occidental , ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ang tectonic na pagyanig ay tumama sa layong 14 kilometro timog-kanluran ng lalawigan ng Sarangani bandang alas-12:23 ng tanghali ngayong araw ng Linggo na kung saan ang lindol ay may lalim na 32 kilometro.
Naramdaman naman ng General Santos City ang Intensity 3 na lindol mula sa nasabing pagyanig.
Samantala, isang instrumental Intensity 3 ang naramdaman sa Glan, Sarangani; T’Boli at General Santos City, South Cotabato.
Intensity 2 ang naramdaman sa Talakag, Bukidnon; Don Marcelino, Davao Occidental; Malapatan at Maitum, Sarangani; at Santo Niño at Tupi, South Cotabato.
Alamada, Cotabato at Koronadal City sa South Cotabato ay naramdaman ang pagyanig sa isang instrumental na Intensity 1.
Sa ngayon, iginiit ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na wala na umanong inaasahang aftershocks o pinsala matapos na tumama ang lindol sa naturang lugar.