-- Advertisements --
DAVAO CITY – Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang probinsiya ng Davao Occidental alas dies kaninang umaga.
Batay sa Data ng Phivolcs, naitala ang sentro ng lindol sa silangang bahagi ng Sarangani, Davao Occidental kung saan may lalim ito na 65 kilometros at tectonic in origin.
Samantala naramdaman rin ang pagyanig sa karatig na mga probensiya kagaya ng Alabel, Sarangani Province na may lakas na intensity 2, at intensity 1 naman sa mga lugar ng Kiamba, Sarangani, Koronadal City, ug General Santos City.
Wala naman umanong inaasahan na malaking damyos ang naturang pagyanig, pero inaasahan ang sunod-sunod na mga aftershocks.