-- Advertisements --
Binulabog ng magnitude 5.4 na lindol ang bahagi ng Davao Occidental ngayong Miyerkules.
Sa datos mula sa Phivolcs, naitala ang sentro ng pagyanig sa layong 136 kms mula sa bayan ng Sarangani sa nasabing lalawigan dakong alas-3:00 ng hapon.
May lalim itong 24 kms at tectonic ang pinagmulan.
Nakapagrehistro ng instrumental intensity 1 sa Alabel, Sarangani; at General Santos City.
Asahan pa umano ang aftershocks matapos ang lindol.