-- Advertisements --
Niyanig ng magnitude 6.4 na lindol ang Davao Occidental.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST), dakong 11:23 nitong Linggo ng gabi ng maramdaman ang lindol.
May lalim ito na 149 Kilometers na ang epicener ay sa Don Marcelino Davao Occidental at ito ay tectonic in origin.
Pinawi naman ng ahensiya ang pangamba ng tsunami.
Nagbabala rin ang Phivolcs na mayroong mararamdamang aftershocks matapos ang insidente.