DAVAO CITY – Naka-isolate ngayon si Davao Oriental Governor Nelson Dayanghirang at kanyang asawa na si Naneth matapos na nagpositibo ang ito sa COVID-19.
Sa ipinadalang mensahe ng gobernador, malungkot nitong ipinaalam na nahawa siya ng virus at ang kanyang asawa matapos lumabas ang resulta ng kanilang swab test.
Ayon sa opisyal na nakaranas sila ng mild lamang na lagnat at nakapag-desisyon sila na sumailalim sa swab test at agad na nag-isolate.
Normal lamang umano ito sa isang public servant lalo na at marami siyang nakasalamuha na mga tao.
Nagsagawa na rin ngayon ng contact tracing ang Provincial IATF sa mga huling nakasama ng opisyal.
Nanawagan rin ang opisyal sa kanyang mga nakasalamuha na mag-self quarantine kasabay ng paghingi ng paumanhin sa mga ito.