-- Advertisements --

Niyanig ng 4.5 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Mindanao ngayong unang araw ng 2025.

Naitala ang pagyanig kaninang alas-6:32 ng umaga.

Natukoy ang epicenter sa layong 92 km sa hilagang silangan ng Baganga, Davao Oriental.

May lalim itong limang kilometro at tectonic ang pinagmulan o resulta ng paggalaw ng tectonic plates sa nasabing lugar.

Nabatid na ang sentro ng pagyanig ay na-detect sa gitna ng dagat ngunit walang banta ng anumang tsunami sa mga mamamayan ng Davao Region o mga karatig na lugar.