-- Advertisements --

Niyanig ng 4.6 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Mindanao.

Naitala ito kaninang alas-10:22 ng umaga.

Natukoy ang epicenter sa layong 85 km sa hilagang silangan ng Baganga, Davao Oriental.

May lalim lamang itong isang kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Wala namang naitalang pinsala at wala ring inaasahang mga aftershocks mula sa nasabing lindol.