-- Advertisements --
Niyanig ng 5.5 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Davao Region nitong Linggo lamang.
Naranasan ito bandang alas-5:16 ng hapon.
May lalim itong 127 km at tectonic ang pinagmulan o resulta ng paggalaw ng tectonic plates.
Natukoy ang epicenter sa layong 90 km sa timog silangan ng Tarragona, Davao Oriental.
Posible umanong masundan pa ito ng mahihinang pagyanig, ngunit walang inaasahang pinsala sa mga apektadong lugar.