-- Advertisements --

Niyanig ng 5.8 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Mindanao, nitong Martes lamang.

Naitala ito kaninang ala-1:39 ng hapon.

Natukoy ang epicenter sa layong 66 km sa hilagang silangan ng Baganga,Davao Oriental.

May lalim itong 10 at tectonic ang pinagmulan.

Naramdaman ito sa Nabunturan, Davao de Oro, ngunit walang naitalang pinsala.

Wala ring inaasahang aftershocks mula sa nasabing lindol.