-- Advertisements --

DAVAO CITY – Niyanig ng Magnitude 4.9 na lindol ang Man-ay Davao Oriental pasado alas nuebe ngayong gabi.

Ayon sa Philippine Volcanology and Seismology (Philvocs) sentro ng pagyanig ang silangang bahagi ng lalawigan kung saan may lalim itong 30 kilometros at tectonic ang origin.

Walang aasahan na pinsala ang nasabing pagyanig ngunit may mararanasan na mga aftershocks.

Kung maalala sunod-sunod na ang naitalang mga pagyanig sa rehiyon sa nakaraang buwan kung saan karamihan sa mga ito ay mga lugar na apektado ng malalakas na lindol noong taong 2019 kung saan maraming istraktura ang nasira.

Nagpapatuloy naman ang mga isinasagawang shake drillng mga LGUs sa rehiyon uban mapaghandaan pa ang parehong kalamidad.